Hindi dahil sa nakikinig ako sa K-Pop ay nais ko nang maging Koryano. Kahit kailan ay hindi ko hinangad na maging iba ang lahi ko. Ano nga ba ang dahilan ko kung bakit nakikinig ako sa K-Pop?
Una, naaliw ako sa music videos at kanta nila. Ang ganda kasi eh. Aminin man natin o hindi, ang kan ilang mga MVs ay nakakatawag-pansin. May mga sayaw-sayaw pa sila na ang ganda-gandang gaya hin. Ang saya pang memoryahin ng kan ilang lyrics sa kan ta kasi ibang lenggwahe nay un. Noon feeling ko para akong nag.toungue twister kasi akala ko mahirap talaga. Hindi ko nga maintindihan diba, bakit ko mememoryahin ang kan ta? Hello, ano pa’t nandiyan si Mr. Google. Ang palagi ko lang ginagawa ay search sa Google ang English lyrics. Pag naintindihan ko na, tsaka ko pa mememoryahin ang kan ta.
Pangalawa, ang ganda kasi grupo halos ang performers. Ang pinaka-paborito ko ay ang Super Junior. Noon, akala ko pangit yan kasi nga grupo. Dito naman sa bansa natin, hindi uso ang dance at singing groups. Ang uso ay mga banda gaya ng Kamikazee at Bamboo. Kaya nang narinig ko ang Sorry Sorry ng SuJu at nakita ang music video, naaliw ako kasi parang bago ito sa paningin ko. Doon nagsimula ang pag.search ko ng iba pang grupo gaya ng Shinee, U-Kiss, 2ne1 at SNSD.
At panghuli, kahit sabihin pa man natin na nakuha nila ang K-Pop sa America n Pop style, aminin natin na hinaluan pa rin nila iyon ng “taste of Korea n” para maging K-Pop. Eh sa atin? Yo, bakit may XLR8 at Po p Girls? Alam niyo ba na ang daming ayaw sa kan ila kasi halos gaya hin na talaga nila ang K-Pop?!! May OPM naman tayo. Maganda naman ang OPM, bakit pa ba tayo lilihis sa ibang daan?!
Kung tatanungin mo ako kung ano ang mas pipiliin ko, OPM o K-Pop, ang pipiliin ko pa rin ay OPM. Bakit? Dahil walang kapareha ang tunog-Pilipino. Mas maganda pa ring pakinggan yung mga kan ta na kahit hindi mo na.isearch sa Google, maiintindihan mo pa rin.
No comments:
Post a Comment